Monday, December 5, 2016

Una

Ganoon naman talaga siya simula pa noong una. Hindi siya nagsasawang magsimula nang paulit-ulit. Basta’t sa bawat pagsisimula’y sisigurauhin niyang may bago. Kaya ngayon nagsimula ulit siya sa umpisa.  Di para magbura ng mga alaala, kundi para bumuo. Kasi ngayon—bukod sa mas marami na siyang kayang gawin, mas marami na rin siyang kayang sabihin. 

No comments:

Post a Comment