CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Saturday, October 31, 2009

untitled


"doon ko lang naisip na ganon pala sa college. gaguhan."

-Bob Ong









hindi ako naniniwala sa swerte at malas. pero minsan
sadyang may kamalasan ata talagang nakalatag ang kapalaran
para sayo. hindi mo alam kung kamalasan nga ba o sumpa.

kahit sa maliit na senarayo ng buhay sa Pilipinas
mahirap talagang humingi ng hustisya lalo na't
kapangyarihan ang kinakalaban mo.

hindi ka bobo, pero madalas magiging bobo ka kapag
hinayaan mong matalo ka sa laban. ayaw mong ilaban
dahil takot ka sa kahihiyan. pero hiyang hiya ka na sa
sarili mo dahil sinasabi nito sayo na para saan
pa ang lahat ng pinaghirapan mo kung magpapalapa
ka lang sa buwaya. nag tatalo na ang kaluluwa at katawan mo.

ang iyong kaluluwa gustong tangapin na lang ang lahat.
hindi mo raw ito madadala sa langit, habang ang katawan
mo at mga laman loob ay nag wewelga.

nakikipag talo ang utak dahil hindi nito matatanggap
ang sasabihin ng iba na wala syang laman.

nakikipagtalo ang mga mata dahil sumasayad na to
sa lupa sa gabi gabi mong pagpupuyat.

nakikipagtalo ang bibig dahil nasayang ang laway
na inilaan mo para mag sabi ng totoo.

nakikipag talo ang bituka dahil nasayang ang
mga oras na sana'y kumakain ka.

at minsan chorus pa silang nag tatanong ng
"naglolokohan ba tayo dito?!?"

ang puso na pumapagitna sa dalawang kampo
ay di na makayanan ang ingay. konti na lang
sasabog na ito at malapit na rin maging halimaw.

halimaw na mas pipiliing maging mahina.
halimaw na kinakaawaan ang sarili.
halimaw na gusto nang tapusin ang ikot ng mundo,
itigil ang laban at magpahinga.

swertihan na nga lang ba ang buhay?
chamba na nga lang ba ang pagkaka panalo?
hinuhulaan na nga lang ba kung sino ang talo
at sino ang panalo?

hindi na ba talaga magiging balanse ang timbangan?

saan nagtatago ang tama at kailan maitatama ang pagkakamali?

kaninong kamay ang malinis at kanino ang madungis?




Tuesday, October 13, 2009

ONDOY.PEPENG


sketch by: Leo Andrew Ablaña


tila naupos ang araw ng umagang iyon
nilamon ng maiitim na ulap ang kalangitan
tonetoneladang tubig ang bumuhos galing sa itaas.
sinakop nito ang kapatagan.
hindi na mawari kung ano ang kalye at ano ang ilog.
pinag isa na ito ng rumaragasang tubig na
naghahanap ng sarili nitong lulugaran.
sinamahan narin ng luha ang tumataas na baha.
sumabay ang kulog at kidlat sa sigaw ng ale,
sa ngumangawang sanggol, sa matandang humihingi ng
saklolo, sa wang-wang ng ambulansys't
sa iba pang inggay ay maaaring maging
nakagugulantang na katahimikan.
dinaig ng hangin ang mga kumakantang ibon
ngunit nanatiling sumasayaw
ang mga puno at poste.
umiindayog ang mga gusali
dumuduyan ang mga tulay na nagdurugtong
sa magkabilang kawalan.

naging marupok ang pundasyon ng lakas
nanikip ang mga ugat na dinadaluyan ng pag-asa
at nabalot ng putik ang kahapong alaala.

ito ba ang kapalit ng nawawala kong disiplina?
ito ba ang kapalit ng nagbibingbingihan nilang tenga?
ito ba ang kapalit ng nagbubulagbulagan nyong mata?
ito ba ang kapalit ng magara kong damit?
ito ba ang kapalit ng maganda mong sapatos?
ito ba ang kapalit ng mamahalin nilang alak?
ito ba ang kapalit ng marangya mong hapunan?

Tuesday, September 8, 2009

oh life...

My blog is not a blow by blow update about the happenings in my life.
I will just post whenever I feel like posting, And as much as possible ayoko mag post kapag masama ang araw ko… There’s no such thing as a bad day anyway… only bad situations. And I don’t want to nurture it… so it’s better to let the day pass without writing a history to be remembered. Sometimes I would just open my blogger account, click new post, think… and then write nothing. Logout , closes the window. I just don’t have that kind of mood to scribble, though I always tell myself that I have to keep this blog alive.

Sobraaaaaaaaaaang dami ng ginagawa sa school.
To the point na kapag uuwi ka ng bahay gusto mo na agad buklatin yung libro mo kasi feeling mo wala ka ng time para maaral lahat ng dapat aralin, and even in my sleep… napapanaginipan ko na ang T-cells at B-cells. Sometimes I was half asleep and I caught myself talking about how the macrophage engulfs pathogens. Nababaliw na din ata ako. Jusmiyo. maisip mo lang kung ilang lab reports ang kailangan mong isubmit at ang mga deadline ng abstract at thesis makakalbo ka na sa stress! huhu

I remember what my ate told me before when I told her I’m going to take BSBio.
“baka naman mamatay ka sa kakaaral nyan.”
And now I’m on the realization stage. Nakakamatay nga.

Minsan nakaka stress pa. sobrang puyat ka na, tapos pagdating ng exam bagsak ka pa. hindi mo alam kung engot ka lang ba talaga, o sadyang mahirap ang exam.

At times I just want to be alone, eat ice cream and read book. I don’t want any company. It gives me peace of mind. I feel like breaking down, and I am trying so hard to become optimistic even if it feels impossible.
I am just so thankful that I have a BIG God with me… a very supportive family and loving friends. It makes me wanna work hard and continue fighting everyday…


Peace**

Tuesday, July 7, 2009

Miss, Missed, Missing…

-I’ve missed to jot down notes…. I should always have a pen and a note pad with me… because I easily lose things by forgetting and I hate it. For a moment I have tons of thoughts in my head and in just a snap they’re gone. My old journal is missing. It’s been awhile since I last saw it… I dunno if I’ve lost it or somebody stole it… Anyway there’s nothing confidential written on it. Everything I wrote there, I post it on my blog.

-I miss my blog…this is where I release some of the good and bad energy. Not all the time, but it helps…most of the time. It’s my only outlet of some thoughts I can’t share verbally. Although I don’t really care how many hits I have in a day or how many people care about reading my blog, one hit a day, it’s a glee. One comment, that’s what I call bonus Ü

-I miss eating apple pie of Mcdo. It’s the best.

-I miss Bob Ong. Thank God I have his new book by now. It’s been awhile since Mcarthur…

-I miss WHO and Destiny ministries… These are the churches I used to attend services before…I miss my cell group… I miss kuya Bob, ate rachelle, Pastor Marvin… I miss the Youth Alive, the services… everything. I always pray that one day may matatawag na rin akong sariling church... sariling Christian family.

-I miss my MYM family, Brother Anselm and Mam Abejuella…

-I miss my grade school classmates… specifically “YES gang” =D
Angelo, Patrick, Paul John, Erben, Isah, Michelle and Sasi. Hope to see you soon guys…

-I will miss my alliance… Kebs and Anjo… lumipat na sila ng school… wala na kong kakulitan pag lab, wala nang sasayaw ng Jollibee dance. Huhu… pero kahit ganun my other alliance were still there… uly and aljohn… (bumubuo ng bagong circle of friends)Haha… kaya natin ang Bio diba?*cross fingers*

-I miss Rr. He use to call me keycee beybe. With the span of quite a few months, he became one of my best friends. We’re like partners in crime. Rr is the guy version of me. Mamimiss ko ang pag atake ng superiority complex namin, feeling kasi namin lagi kaming mas magaling sa iba. hehe.
At ang mga kakaibang motivation sa sarili. do not worry, everything is a blessing.
Wala na ko kasama bumili sa ATM (automatic tubig machine). Wala na din ako kasamang mag discuss ng mga chemical structures pag may mga freshmen. Hehe
Pakabait ka Rr! Goodluck to your new courseÜ yeboi!

-I miss Carlabum… she’s my soulmate… she laugh with me, she cry with me. We’ve shared so many memories together. we see each other in school, pero once in a blue moon na lang because of our unlike schedules. I miss our company… I miss her so bad… =(

-I miss GB and Musky pops my super friends since second year high school… I miss Sir Samonte… who became my dad throughout my high school days…

-I miss my Main man. Kuya.
Recently, his always present in my dreams…
It’s about our moments together when I was a little girl…
The day that he bought me a CD of Britney spears…
When he thought me the song-I dunno the title but the lyrics goes like ‘who knows how long I love you’ …
When he brushes my teeth…
There are many more but I couldn’t remember its kinda blur.
It’s weird to dream about it, because its not just a dream it really happened before, and after I woke up in the morning I thought I was still in the scene of my dream.
I miss u everyday broÜ

Monday, June 29, 2009

first things first

Saturated...

its been three weeks since the class had started. at dahan-dahan ko pang pinag aaralan kung pano mag slow down, dahil pati mga past lessons ko kailangan kong aralin ulit. tambak na agad mga kailangan kong ireview. hindi ko na alam ano una kong sisimulan.
another thing is my sched... its not pretty normal... especially Thursdays and Fridays. during Thursdays, my class starts at 7:30 in the freakin morning and ends at 8:30 pm. woah 13 hours? sa school? (may 1 hr break) getting to know each other na kami ng mga classmates at professors ko sa haba ng pag sasama namin. during fridays naman, i only got one subject which is biochem, from 10:30 am to 7:30 pm. hamnep, pag uwi ko naka nga-nga na lang ako. saturated na utak eh..

+Level Up+

focus. we need more focus. kung last year eh nakukuha pa namin manood ng mga events sa school this time mukang hindi na. class room. lab. library. research. basa. basa. review. aral. review. yun lang ang pwede naming gawin at puntahan. kahit ata tumawa wala na kaming karapatan eh *bwahahhaha* at isa lang ito sa mga preparation para sa quiz. Oo! QUIZ!
iba pa yung ibubuhos na oras sa report, iba pa yung sa midterm, iba pa yung sa finals, iba pa yung sa defense! gusto kasi ng mga prof na kumonti kami, kaya pinapahirapan kami ng bongang bonga.

oh no...

kailangan din namin mag prepare para sa thesis para hindi kami gisahin pag dating ng defense.
immune na kami sa thesis we do this EVERY SEM. the last two words are emphasized
uh i stand corrected "baby thesis" lang pala according to our professors...
aahhh baby thesis lang pala yun so pano pa kaya kapag gumawa kami ng tunay na thesis?!
baka tuluyan na kaming masiraan ng bait.

HDL

pag di kami nag aral lahat kami dadamputin sa kangkungan.
hindi uso ang muni-muni. not on this course. there's no time to
waste time. pero kahit ganitong pasan namin ang daigdig,
naiisip ko pa rin, ang sarap mag-aral. kung sa cholesterol its the
high density lipoprotein. kaya minsan naiintindihan ko kung
may mga estudyanteng nababaliw sa sobrang pag aaral.
ang di ko maintindihan ay kung bakit may mga estudyanteng
tumatalon sa building dahil nasawi sa pag ibig.

Sunday, June 14, 2009

the study of life



Is it my fate to be on this path? Should I believe that I’m destined to be here? Or would I just stick to my certainty that people have choices… and they make their own luck?


BS Biology is not even on the top of my 100 list of choices. Napaka layo ng mascom sa bsbio.
At ano naman ang gagawin ko kapag naging biologist ako?
Ayoko nga ng nursing doctor pa kaya?

To make the long story short, I was stuck here and I can’t get out. mamamatay ako sa course na to. Napaka dugo ng mga subjects ko. Pang matalino lang to. First, tamad ako. Second, hindi ako nakikinig sa bio when I was in high school. I considered it boring. Third, I never plan to question how the hell I exist.

God created all the living things on earth. Period. That’s the only origin of life I chose to believe. Wala na kong paki alam sa evolution at spontaneous generation. Isa lang kasi pinaniniwalaan ko eh. So… hindi talaga ko pwede maging biologist. Syempre hindi ko matatangap na galing ang tao sa unggoy! At mas lalu naman sa Abiogenesis. Pwede bang mang galing ang isang living thing sa isang non-living thing?? duh???

Well of course you’ll be curious with how this and that happens… kung pano ka nag lalabas ng masamang hangin, kung anong ginagawa ng mga taba mo sa katawan. Kung bakit ka pinag papawisan. Well you can google it. Bakit kailangan ko pang mag major ng bio kung pwede ko naman malaman ang mga yun in my own way.

"why do we study science?"
"Because we are seeking for truth."


Anu pa bang truth ang gusto mong malaman when God is the only answer.

*Wow* Balak ko pa atang makipag debate sa prof namin.


Sarado utak ko dahil ayoko ng subject. Dahil iniisip ko na mahirap.

Dahil iniisip ko na hindi ko kaya.

"Love your course, and it will love you back."

That’s not true. papano mo nga gugustuhin kung ayaw mo di ba?...
Iniisip kong tamad ako. Kaya nagiging tamad ako lalo. I always look down to myself kaya hindi ako nag iimprove. Hindi ko matangap na "love it and it will love you back." Kasi isa lang yung gusto ko paniwalaan at ayokong mag bago ng isip dahil sa tinatawag na pride. Ayokong sabihin nang ibang tao na hindi ko gusto ang nakuha kong kurso, na napilitan lang ako.


After ng first sem, sabi ko mapasa ko lang lahat ng subject

hindi na ko aalis sa course na to.. Naka pasa naman ako sa lahat ng subjects.


But still thinking…

"kaya ko kaya?"
Second sem na.


OMG ang hirap ng Calculus. Ayoko na talaga mag shi-shift na ko.
Organic chem.! Tuyot na utak ko! Eto na oh. Nararamdaman ko!
Nakakamatay pala tong bio.


But then… ang subject kong biology which is my major subject, nagulat ako sa mga results ng quizzes ko, wala pa kong bagsak. Nag eenjoy na din ako sa discussion. Mejo nagulat ako sa sarili ko, kakaiba pa naman mag pa exam ang prof namin. Parang wala nang bukas eh…eh ayoko pa naman ng pinag aaralan ang halaman. Nakaka antok! Pag mammals ang topic ok pa.

… nag eenjoy na din ako sa chem. Kahit na madugo. Nalaman ko din na kaya ko palang mag review mag isa ng calculus without the help of anyone.

Mahirap? Its all in the mind.

At the back of my head…

kaya ko naman pala eh.

At masaya naman na ako dito…

I thought studying science will just contradict my biblical beliefs. But I’m wrong. Napaka kitid pala ng utak ko kung ganon. God created science. Wala pa man ang mga makabagong teknolohiya… na explain na Nya ang lahat through the Bible.

Ang mga bagay na gusto natin, hindi pwedeng maabot sa isang pitik ng kamay, minsan mas madami ka munang dapat pag daanan kaysa sa inaakala mo. Hindi dahil hindi mo gusto ang daan, hindi mo na ito dadaanan… mas malawak ang daan para sa mga taong hindi marunong mag sikap, at hinuhulma naman nang madidilim at makikitid na daan ang mga taong may determinasyon. Hindi sapat yung puro ka lang pangarap, pero naka tanga ka naman sa kawalan, anu mangyayari sayo nun? Lalu na kung puro ka reklamo…dapat determinado ka rin.

Hindi naman ako papabayaan ni God kung dumating man yung time na maisip kong hindi ko pala kaya. Minsan you have to take chances. Pano mo malalaman ang sagot sa mga tanong mo kung lagi kang nasa safe zone. Kung lagi ka na lang humihingi ng assurance. If things go wrong, life goes on. Keep going. Kasi baka mapag-iwanan ka.
But learn by heart that life is not a race that you have to rush things up…
Kasi minsan baka hindi mo na nakikita yung ganda ng buhay kung lagi kang nagmamadali.

I still have many questions and I’m going to find those answers along the way… for now… I feel blessed and happy. Ü


"Love the life you live. Live the life you love."

Friday, June 12, 2009

7 things that make my day






-Sunshine through my window


-read something inspiring..


-smiles!


-I ate something I really like.


-finished a task.


-someone made me laugh/ i made someone laugh.


-done a good deed.

Thursday, March 26, 2009

Baby Girls letter for her Dad

Dear Papa God,
Yeah I know we always talk… as in always… but you know… I would like this one to be something different… I know it will make you smile..ayiiÜÜÜ

So how will I start… first things first…

Thank You!!….
sa madaming madaming blessings everyday.
For giving me another day, another life.
Thank you for taking good care of the persons I love.
And thanks for loving me! =D
kahit na hindi ako sumusunod sayo minsan…
I’m so sorry… for causing you too much pain.
But still you’re always there to listen…
At grabe… you’re awesome! Alam mo yun yung kahit napaka imposible nang mangyari pero pag hiningi ko sayo… in just a snap anjan agad…minsan nga kahit hindi ko hinihingi eh. Pero pag ikaw yung humihingi sakin ng favor, minsan hindi ko pa nagagawa. I didn’t mean that. Sorry… at alam ko minsan mejo tampo ka na sakin… kasi naman mas inuuna ko pa yung ibang bagay kesa sayo. Lalu na minsan alam ko sanay ka na, hindi lang sakin kundi sa iba mo pang mga anak na lumalapit lang sayo kapag down na. napaka unfair nun… Sorry.

Naalala mo ba nung nasa pila ko na napaka haba tapos ang bagal pa ng usad? 2:30pm na nasa dulong dulo ako… sabi ko panu yan kailangan ko umuwi ng 3pm? Tapos sabi mo sakin… nothing is impossible with you. Ayun saktong 3pm nasa unahan na agad ko bumilis yung pila tas naka uwi agad ako. Tas naalala mo din ba nung gabing emo mode ako? hehe Yap. Yun nga. Sabi mo sakin matulog na ko ikaw na bahala. Tapos nung nagising ako…hayyyy parang kakasilang ko lang sa mundo.haha the best yung araw nay un. Salamat sa hug! Super thank you! Ayun madami pa eh… baka hindi ko maisulat lahat…

Thank you talaga. Lagi ko din tinatandaan yung sinabi mo na kapag feeling ko… galit sakin ang lahat ng tao sa mundo…eh tandaan ko na it has hated you first. Kung ikaw nga pinahirapan nila o naming lahat, ako pa? eh tao lang ako… tapos thank you din sa pag bibitbit ng mga mabibigat kong bagahe. Wait mejo naiiyak na ko.. hehe.. Thank you din pala kasi napapaligiran ako ng mabubuting tao. I always feel blessed kapag naiisip sila at yung ginagawa nila para sakin. Minsan tinatanong kita kasi naiisip ko kung deserve ko bang matangap lahat ng yun… eh kilala mo naman ako diba? Matigas ulo minsan. Then I realized na lahat talaga ng ginagawa mo, blessing man o trials natututo ako. Sobra. Sana maging blessing din ako sa iba..Ü

You will always be my love, life, dad, BEST friend.
And I will always be your baby girl who’s always proud to say
“hey I have my big God with me”
what more can I ask for…
I LOVE YOU… SO MUCHÜ


Your Princess,
talÜ

Tuesday, March 24, 2009

skul is cool




mejo matagal tagal din ang summer vacation. mamimiss ko ang school.

believe it or not simula ng nag start ang aking "buhay kulehiyo" never pa ko tinamad pumasok. kahit may matinding exam pa. haha I'm always excited on what's new.

take note: complete attendance to.

at kahit minsan walang klase dahil bigla na lang nawawala ang mga prof... ok lang lalu na kung mga kasama mo sobrang makukulit. no dull moments. haha


mamimiss ko ang aking mga ka-BIOlogy classmates...
kasi yung iba lilipat na ng school.
yung iba mag shi-shift. ganun talaga... people come and go...



I will Miss you guys!!!Ü





Monday, March 23, 2009

Bravo!



“Perfect!”


what? Anu daw? Paki-ulit?

Tama ba ang narinig ko?

Perfect. Wow. Hanggang ngayon pag naaalala ko ang mga naganap sa nakaraang thesis defense nagkaka-goose bumps ako. Sobrang sarap ng feeling na matapos kang gisahin sa harap ng mga panelist. Sasabihin nilang “Perfect.”

Tangal ang pagod ng lahat. nagsigawan. Talunan. Akapan ng bongang bonga. Sabi ng isa naming prof, para daw kaming pumasa sa board exam yung grupo ata namin yung pinaka masaya nung gabing yun .haha

Hay kung alam lang nila kung anu-anong pinag daanan namin bago ang araw ng defense. May nag away-away, may naligaw, may nalubog sa utang, may na bankrupt, lahat napuyat, may hindi nakakain… at nung araw ng defense, ang iba sa amin ay laging tinatawag ng kalikasan sa sobrang kaba. First time naming lahat eh. Last minute na may ineedit pa kami. Hanep na dichotomous key yan. Pinahirapan kami.. After ng defense para kaming nabunutan ng tinik. Although madami pa kaming dapat ayusin na mga typographical error.

Hindi talaga maiiwasan na may mga nag kakainitan ng ulo kapag may mga group projects… natatawa na lang kami pag naaalala namin. Nakaka pagod pero masaya. Lalu na pag may mga overnight. Kahit mga puyat na nakukuha pang mag kulitan. Pag pasok sa school kinabukasan lahat tulog sa first subject. Yung iba pasimpleng hikab, yung iba lantaran matulog! Naka nganga pa! haha

Anyways…

Congratiolations BSbio 1-2!!!

We did it! Hooray!

Acknowledgement:

Papa God

Bio 1-2 classmates (sa pag cheer!)

Bio1-1 (for helping us constructing the dicho also.)

Ate Rhea (for helping us in our dichotomous key)

Sir Coronado (sa words of wisdom)

Mam Mapanao (for not asking too much questions. hahaÜ)

NALLRC

National Library

Tropical Hut

Jollibee

Ang aming bahayÜ (kung san kami nag oovernight)

PUP open field

PUP gym

PUP likod ng gym. Haha { kung san natagpuan ang mga Herbs and Shrubs

PUP lagoon

PUP linear park

Mcdonalds (for understanding modesto bandal for being late.)

Friday, March 20, 2009

Boy George




Sometimes I turn out to be one of the boys… malapit na tuloy ako ma-cofused haha jokin! Minsan kasi may usapan na nag kakasundo kami at may oras na mas matino silang kausap. And I certainly agree with them that girls are freakin’ weird… Though sometimes I have to remind them “hoy babae ako baka makalimutan nyo!”

May crush akong girl… she’s cute. But hey that doesn’t make me a lesbian. No no.

My other friends would sometimes call me “dota boy”. Coz I hang up with the guys who are addicted with this online game called DOTA that’s why they are called “dota boys”. And we play battle realms because I dunno how to play dota.


When I was in high school, pag maaga uwian, minsan ang mga kasama kong tumatambay sa bahay ay all boys. Grabe pag nagsama sama kami para kaming mga grade school. But their not the kind of guys na mag aaya ng basketball you know the “pa macho epek”. Sila ang mga friends kong…hmm napapagkamalang gay pag ako kasama. But they’re not I assure you. Nahahawa lang siguro sila sakin. Haha.


Minsan pag kumakain kami ng mga boylets ko may biglang lalapit … “anu pangalan mo miss…” sasagot ako.. “I’m George pare.” Haha tapos bigla na silang aalis. Haha


Naisip ko din minsan… napaka daming privilege ng mga kalalakihan sa buhay…

Isipin mo kahit san sila mag download pwede… eh yung mga girls? Shemai! Pahirapan pa bago maka hanap ng banyo! Eh pano kung eto na talaga? Its gonna burst?! Ano gagawin namin diba? So if I had one wish from a genie that would be… I want to be a man, even just for a day. Haha.


Thursday, March 19, 2009

Ironic


Pag patapos talaga ang sem… done in. laging ganito. Pero itong sem na to ang mas nakaka pagod than the previous sem. Lagi na lang ginagabi ng uwi dahil sa thesis. Ang daming gastos. Bankrupt na ko. Sabay-sabay ang deadline ng mga projects at walang hangan ang pag balik sa school para sa iba’t-ibang oras at araw na finals. Isang pitik na lang feeling ko katapusan ko na. exaggerated ba? Well that’s how I feel at the moment. Wala na ata ako naitutulong sa bahay dahil pag dating ko lanta na ko. Pero hindi pa din pwede matulog kasi kailangan mo pa mag review. Mag pupuyat ka hanggang madaling araw tas kinabukasan, pag aanatyin ka ng prof, at the end of the day… sasabihin sayong cancelled ang exam. Bukas na lang. may magagawa ka ba? Wala. Sumunod ka na lang bago ka pa maka sakit ng prof. Onti na lang mauubos na din ang pasensya ko, lalu na pag pinapasok ka ng maaga tas sasabihing may lecture, yun pala hapon pa magsisimula. Nakaka pikon din kapag akala mo nagawa mo na ang part mo, uuwi ka na lang at mag papahinga tas bigla kang tatawagan para bumalik kasi may nagka mali

There’s always a gift for your work.

Yan na lang ang nag iisang motivation ko sa sarili ko.

matatapos din to… konti na lang…

Sunday, March 15, 2009

cheers!!!


thank God... !!!! we passed!!! more kwento soon.,....Ü










Tuesday, March 10, 2009

A letter for my biosoc family...

A letter for my biosoc family

Mahal kong mga ka-BIO…

For the past few days… a lot of things went wrong… madaming mag kakagroup ang nag away dahil sa thesis na yan, may nasirang friendship dahil sa isang hindi magandang nangyari (lam nyo na yun). Madami nagsisisihan. May hindi pa bayad sa utang. May naakusahang nandaya sa dota. May hindi nagka intindihan dahil sa dichotomous key, at nabaun tayo sa lupa nung defense. But behind those things… may isa pa ding pamilyang nag kakaisa.

Sino ba naman ang makakalimot sa nakaraang finals sa calculus (March 9-09). Kahapon. Bongang bonga diba? Nagkaisa talaga ang lahat. Ahaha wish ko lang makapasa tayo over 700+ points sa kabila ng matindi nating pag tutulungan. Salamat sa mga BSmath na hulog ng langit. Salamat sa mga source na nagpaka bayani para sa ikagagaan ng buhay ng lahat. at sa mga matatapang na tumayo pa talaga!? Hahaha saludo ako sa inyo.

At sa darating na Saturday para sa thesis defense “part II the return of the comeback” magkapit bisig ang lahat. (paunawa: wag nang maki join ang mga may basang kili-kili maaawa kayo pls. lang) at ipanawagan natin sa kinauukulan na ipasa tayo at wag nang ibaon sa lupa.

Don’t worry guys we can make it… *cross fingers*

Lapit na mag end ang sem sandali na lang…

I’m gonna miss you pips!

Lalu na yung mga lalayo na ng landas at tatahakin ang ibang daan. Wow. Haha


---

Be positive!Ü

Friday, March 6, 2009

a day in Quiapo












Sa kabila nang chaotic sched namin, dahilan sa thesis sa bio which is our major subject (lapit na defense!), nakuha pang sumabay ng prof namin sa english mag paggawa ng isang interview sa isang kilalang tao at gusto nyang ipasa namin ito sa lalung madaling panahon (take note: with picture dapat para walang dugasan!). Dahil wala naman kaming laban… buong puso naming hinarap ang hamong ito.

At first, we chose Bro. Bo Sanchez; our topic supposedly would be more about his life. Unfortunately he wasn’t able to say yes to our invitation due to so many commitments he’s in; he’s always out of the country and besides his an important person so he might be so busy with a lot of things. So we decided to change our topic. We chose the Nuestro Padre Jesus Nazareno also known as the Black Nazarene and its devotees.

We plan to have an interview with the parish priest (according to our research) Mnsgr. Ignacio Clemente. Pumunta kami ng Quiapo, 9am. With my other group mates (Rr and Melody) ang aga oh. Bongang bonga. Eto na nasa loob na ng church. Mejo nag mass muna habang si Rr mega gawa ng impromptu questions. Matapos ito…(tumunog ang kampana) pumunta na kami sa information desk officer. Hinanap si Mnsgr. Clemente at napag alamang wala ito. Pero di kami pwedeng umuwi ng luhaan… kaya nag makaawa na kung pwede sana ay kahit sinong available na priest na lang.




Okay pumayag na man sila. Gumawa muna kami ng request letter at nag insist na gumawa ng interview within the day. Pinaiwan ni Ms. Eva (secretary) ang aming contact number dahil wala pa daw available na pari sa mga oras na yon. 11:30 Kumain muna kami sa isang liblib na Jollibee sa plaza Miranda. Ewan ko ba anung klaseng hagdan yung dinaanan namin paakyat dun may escalator naman pala. Grabe parang daan patungo sa ibang dimension.


Anung oras na wala pang text. Kinukulit na namin si manong sa information desk wala pa daw pari. Eto na nawawalan na ng pag-asa. Nag isip nanaman kami ng ibang diskarte. Di talaga kami pwedeng umuwi ng walang nagagawa. Habang nasa ministop gumawa nanaman kami ng isang desisyon…

Prayers for hire.

“Yung mga taga dasal na lang kaya, ang objective natin ay para malaman kung bakit kailangan pa nilang mag dasal para sa ibang tao”

Okay na. nakagawa nanaman ng mga tanong na kaka produce lang mula sa isang matinding brainstorming.

Bumili kami ng pagkain (chowking) para sa iinterviewhin naming tagadasal nakaka hiya naman kung wala kaming maibigay. Nilapitan namin ang isang matandang paalis n asana para bumili ng pag kain, at sinabi na nga kung ano agenda naming sa kanya. “ay kumuha muna kayo ng permit dun oh.” What??? Mejo nagulat kaming tatlo dun ah. Pati ang mga taga dasal sa loob ng simbahan di pala pwede iniinterview basta-basta parang mayor lang may permit. Dahil wala nanaman kaming nagawa pumunta ulit kami kay manong para humingi ng permit… mejo nainis na yata sa kakulitan namin. “ay hindi kayo pwede mag interview sa mga taga dasal dahil may naka usap na kaming pari 4pm pa ang dating”. Mejo nasiyahan na mejo disappointed kami don. Okay pinili na namin si father. Binigay na lang namin yung food kay manang na taga dasal kahit di namin sya na interview.

May ilang oras pa… feeling namin bahay na namin ang quiapo church naikot na ata namin sa tagal ng nilagi naming dun. Nag muni muni din kami sa loob ng simbahan nag hintay ng mass. Wala nap ala 5pm pa ulit. Tahimik sa simbahan pero di talaga maiwasang mag kwentuhan lalu na pag tungkol sa katatawanan. Lumabas na lang kami, marunong din kami mahiya. Hehe.

Pagkatapos ng lahaaaaaaaaaaaaaaat at 4:15pm, dumating din si Father Franklin Villanueva. Ang pinaka makulit na pari sa lahat ng nakilala ko ang kyut!.haha 68 years old “pero mukang 40” according to him. napaka approachable at napaka kulit. sobrang dami nyang kwento at nakakatuwang makinig. At mararamdaman mong holy sya pag katabi mo sya. Napaka masiyahin nya talaga at inspiring ang mga kwento nya. Madami din ang natutuwa sa kanya sa simbahang yon. We enjoy the short time we spent with him I even get his number so I can text him at dahil sa kanya mukang mapapadalas ang pag dalaw naming sa quiapo. Worth it ang lahat ng pagod namin…

Acknowledgement:

Salamat po ng marami sa mga taong tumulong sa amin at nag asikaso habang kami ay nasa Quiapo. Lalung lalo ba kay Father FrankÜ

We would like to thank our sponsors:

Basilika ng nazareno restrooms
Jollibee ( sa liblib )
Ministop
Chowking
Sampaguita

Tuesday, February 24, 2009

sa nalalabing sandali

Paano mo pa madarama ang kainitan o kalamigan ng hangin kung tumigil nang tuluyan ang dugong dumadaloy sa iyong mga ugat? Masisilayan mo pa kaya ang mabilis na paglubog ng araw habang hinihintay mo ang pag dilim? Makikita mo pa ba ang mga ilaw sa pag sapit ng gabi? Paano mo pa madarama ang lumabay, ligaya at pighati kung tuluyan nang huminto ang pagtibok ng iyong puso? Maririnig mo pa ba ang musika at ang ingay? Ang tawa, iyak at sigaw maging ang bulong, patak ng tubig at huni ng mga ibon?

Minsan nang nadungisan ang napakalinaw na tubig sa ilog. Kasabay ang pag itim ng mga ulap sa kalangitan dahil sa nagbabadyang ulan. Lumakas din ang ihip ng hangin na naging sanhi ng pagka sira ng sinisilungan. Nasira na ang lahat. At tuluyan pang nasira dahil sa kalupitan ng mga halimaw sa paligid.

Nabalot ang kapaligiran ng kadiliman. Tanging puot at galit ang madarama. Sinubok na ng panahon ang katatagan ng mga puno sa kagubatan. Bumgay din to’ at namatay.

Sa nalalabing sandali paano mo pa bubuuhin ang nasirang mundo? Sa nalalabing sandali paano mo pa bibigayan ng ligaya ang puso? Sa nalalabing sandali paano mo haharapin ang araw kung tinalikuran ka na nito? paano pa nga ba haharapin ang liwanag kung nabalot na ito ng dilim San nga ba makakarating ang pang walang patutunguhan.

Paano pa nga ba sisimula ang buhay kung ito ay patapos na? Paano mo pa sila hahagkan sa nalalabing sandali?

Wednesday, February 11, 2009

my new babies


the reason i always smileÜ













labyu gals!

Sunday, February 1, 2009

surreal

why do i always have to dream about HER
every now and then?


the things I want to happen in real
life is actually happening in my dreams...
I dunno if I just think of her too much
that I see her in my dreams often
and the scene is always the same...
its so weird.









dreams do come true right?

Saturday, January 31, 2009

a reason to smile...




happiness is five different crayonsÜ


Monday, January 26, 2009

what a wonderful day! whew!

toink!

:6 am na! 7:30 first subject kO!
super takbo pababa ng stairs...
mejo naka pikit pa isang mata..
eto na pababa na ko eh
may dalawa pa palang steps di ko
nakita! BLAG! *ouch*

dedma na.

takbo sa cr. nang di sinasadyang...
OUCH! nauntog!


sa class room:

dalawang bruha nag hiraman
ng brush ako nasa gitna. binato ng isa
PLOK! tumama sa ulo kO! ouch!
huhu

sa computer shop:

kinuha ang headset...
aaaaaaaaaarrraaaaaaaaaaaayyy!
sumabit sa buhok ko! bongang bonga!




anu bang meron sa araw na to. masyadong maganda??
hahaha
onti na lang baka kunin na ko ni Lord.
haha masyado pang maaga.

*-*