©December 2003

Monday, December 5, 2011

BAKAT your self tutorial

inilathala ni kcvictoria sa mga oras na 11:34 AM
para sa mga nag papaturo eto na
gumawa ako ng tutorial
pero bago ang lahat
eto ang bagay na dapat kailanganin

+mouse.
+pasensya.
+creativity.
+common sense.
+kaunting kaalaman sa MS"PAINT".
+at wag masyadong pasmado.

habang binabasa ito, dapat ay sinasabayan
din ng pag gawa para madaling ma-gets

actually hindi ko alam ang tawag dito sa ginagawa ko.
natutunan ko lang to dahil makati ang kamay ko.
explore explore lang
di pa kasi ako marunong mag vector saka parang ayaw ko
kasi masyadong maganda at perfect ang itsura.
kamukang kamuka din ng larawan na pinag gayahan
gusto ko doodle lang.

eto ang finish product ng gagawin natin:
laging gamitin ang rule na
what you see is what you get
matuto mag basa ng pangalan ng mga tools
wag click ng click
so eto 10 steps lang kaya pag tyagaan nyo na
tagalog pa.
pag pasensyahan na din ang mga screen shots ko.

1. syempre una dapat meron kang Adobe Photoshop.
in my case ang gamit ko ay CS4
pero pwede din to iapply sa ibang version
kasi wala namang masyadong
kumplekadong gagamitn na tools.


2. second, mag open ng file
at ng lawarawan na gusto mong i-cartoonize
i-click ang file sa upper left then click open


3. ayan ang lalabas pag na click mo na
ang open malamang, pumunta sa folder kung saan
mayroong mga larawan.


at eto ang larawan na napili ko
Cristina Grimmie.
idol ko yan kaya hayaan nyo na


4. pagbigyan nyo na ko kasi short cut keys ang gamit ko
so pag nandun na ang image kailangan mo ng bagong layer.
transparent layer.

para mag karoon ng transparent layer:
*type ctrl+shift+N
at ayan ang lalabas na window
siguraduhing sa
color:None ang naka lagay.
then click OK


*simpleng pag babakat lang ito tulad ng lagi nating
ginagawa nung grade 1 yun nga lang mouse at pc
ang gamit mo at hindi lapis at papel.

5. kung makikita nyo meron na tayong dalawang layer.
ngayon, siguraduhing naka active yung transparent
kasi jan ka mag dodrawing. kumbaga yan yung
nakapatong sa pag babakatan mo.


6. hanapin ang brush tool para makapag simula na ng drawing

sa ibaba ng menu bar, makikita ang ibat-ibang brush size.
maaring pumili ng nanaisin.
at sa tool bar din makikitaang foreground color
para makapili ng kulay.



7. simulan ang pag do-drawing. red ang ginamit kong kulay
para lang makita mabuti ang aking demo.
again siguradung sa transparent layer nag do drawing.


kung mapapansin sa layers may mata/eyes button sa gilid nito,
ibig sabihin nyan na kapag may mata/eyes button ay ayan ang
nag aapear. so para makita ang kinalabasan ng pag babakat
i-click ang mata/eyes button sa tabi ng background image
para mawala ito sa paningin mo. pag gusto mo ibalik ang background
i click lang ulit ang mata/eyes button
malinaw ba?


8. so ayan ang kakalabasan nyan pag tinanggal mo ang
backround which is the original picture.


ngayon pwede mo nang i-check kung talagang masaya ka na
sa gawa mo at handa ka ng magkulay.

9. hanapin ang paint bucket sa tool bar at pwede na mag kulay.


at pag tapos na
tenen!


as you can see, hindi ko nilalagyan ng detalye yung muka
kasi sa kaso ko, sakin lang naman,
mejo di maganda kinakalabasan. saka mas may dating
yung ganyan. pero pwede nyo naman lagyan kung gusto nyo.
:)))

10. i-save ang picture
go to file, click save as
sa format, JPEG ang format para sa picture.
at i-click ang save.


pwede nang i-uplod sa facebook at magpa-bibo.

para sa iba pang detalye o para mas matuto merong
mas madadaling tutorial sa youtube.

pwedeng itry ang mga online sites na ito
pwedeng
mag doodle/paint/vector:


thank you!










0 leave your comments here:

Post a Comment