
ikatlong libro ni sir Eros... hindi ako nagkamali ng taong hinangaan...
may 5000+ nang prends sa peysbuk pero gayon pa man
may oras pa din para mag reply sa mga tanong ko.
at natatandaan pa din ako.
ilang estudyante kaya ang nangungulit sakanya para magpa pirma ng aklat?
ang layo na nang nalakbay ni EROS ATALIA pero abot kamay pa din.
ang kanyang mga aklat madalas nang bumabandera sa BEST SELLER SECTION.
pero sabi nga nya ang sikreto lang dyan eh madaming kapamilya.
isa lang yan sa ka-humble-lan ni sir Eros.
kanina umatend ako ng book launching ng
"Wag Lang ‘Di Makaraos 100 Dagli (Mga KwentongPasaway, Paaway at Pamatay)"
sa UST. sa kasawiaang palad nag iisa lang ako.
pero may kasama man o wala hindi ko pwedeng palagpasin
ang ganitong pagkakataon.

sorry sa kalidad ng larawan,
pero lahat ng nakatayo dyan pundasyon ng sining para sa panitikan
nang makita ko si Ginoong Bienvenido Lumbera
walang mapag lagyan yung ngiti ko...
dear sir Eros,
nang dahil sayo nakilala at nakita ko ang mga manunulat na hinahangaan ko. nang dahil sayo mas lalu akong nangangati sa pagbabasa at pag susulat ng mga akdang katulad ng sa iyo. sana dumating yung panahon na hihingi din ako sayo ng blurb para sa sarili kong libro. sana. haha.
salamat sa mga katulad nyo na itinataguyod pa din ang pag ibig sa pag susulat ng Filipino. dahil sa iyo at sa iba pang pinoy na manunulat nagiging makulay pa din ang mundo ng mga kabataang katulad ko, gutom sa mga sanaysay, sa mga kwentong bayan, sa mga kwentong patawa, pasaway, pamatay, pero may kwenta. muli, congrats sir!!!! hanggang sa susunod na libro hindi ako mawawala pramis =)





0 leave your comments here:
Post a Comment