"Happy birthday!!! ilang taon ka na???"
yung feeling na biglang mag sisink in sayo yung edad mo...

yuck hindi na ko bata.wala na din ako sa listahan ng teen.
kasi hindi ko alam kung bakit parang nag stop
yung age ko sa 13 eh. :))yung tipong pag may bago akong nakikilala
kahit ka-age ko eh napapa "po" pa ko at napapa "ate slash kuya"
as if ako ang pinaka batang nilalang sa mundo.
minsan pag tinitignan ko yung mga babaeng
ka-age ko napapa tanong ako...
bakit ganun dalagang dalaga na sila?
tapos yung mga kwentuhan nila iba na. hindi ko masakyan.
kaya madalas puro lalake tropa ko... kung di lalaki, beki.
hahaha tapos ako eto ganun pa din walang pag babago.
ayoko lang kasi magpaka matured masyado
na hindi naman talaga dapat.
madami kasi akong kilala na simula ng tumapak ng 18
eh kinarir naman yung salitang dalaga.
nasobrahan sa pag inom. make up. at party.
pero sabi nga nila walang basagan ng trip.
siguro mararamdaman ko lang
na im old enough (tae anu daw?:)))
pag may trabaho na ko.
sa ngayon chill lang muna.
enjoy lang kahit mahirap mag aral para di masyado ma-stress.
yun lang naman nag papa hirap sa buhay ko sa ngayon eh.
school. haha pero matatapos din yan...
sana matapos na :))
anyway salamat po sa lahat ng pag bati sa twitter,
facebook, at tumblr. sa gifts sa food sa ebrything!
at salamat sa mga kaibigan ko na nag bigay nito... na touch ako eh. hahaha
*pagbigyan nyo na please*

thank God for another year!!! ♥


0 leave your comments here:
Post a Comment