konti na lang talaga isusumpa ko na yung skwelahan ko.
pati kurso ko.
pati mga professor don. (hindi naman lahat).
ewan ko ba kasi kung bakit ginagawa nilang komplikado ang mga bagay na pwede naman sanang simple lang. sabihin na nating parte yun ng buhay. ok. andun na tayo.
kaso minsan ang OA na.
tipong hihingi ka lang ng print-out ng registration card mo. print-out lang
jusme dadaan ka pa sa butas ng karayom, kulang na lang tumawag ka ng sarili mong abugado.
jusme dadaan ka pa sa butas ng karayom, kulang na lang tumawag ka ng sarili mong abugado.
but anyway ayoko na mag dwell sa mga bagay na yan
tinatawanan ko na lang. at iniisip ko matatapos din to.
at pag nangyari yun ayoko na sila makita.
utang na loob.
simple lang nasa utak ko ngayon...
naniniwala ako sa karma.

at tulad ng pinangako ko sa sarili ko, hindi ko na iiyakan ang mga walang ka kwenta kwentang bagay. ganun pala yun noh, pag hindi mo pinansin yung mga bagay na humihila sayo pababa mas lalu kang lumalakas. kasi naman nakakapagod na eh...
nakakapagod na, nakakasawa pa.
kaya ngayon hindi ko alam kung bakit masaya pa din ako kahit andaming dapat problemahin.
siguro ayaw na dinni Lord maramdaman ko pa
mga pang aalipusta ng mga tao sa skwelahan ko.
mag mula istudyante hanggang professor.
pang aalipusta talaga? Oo. and that is an understatement.
bahala na kung sinong tamaan.deds.
basta masaya lang ako. kung ano pang balak nilang pag papahirap sakin. sige lang.
Bring it on beybe.

at the end of the day lahat ng bagay nagiging maayos.
minsan nga lang hindi sa paraang gusto natin,
kundi sa paraang pinlano ng Dyos.
na mas ok kesa sa plano natin...
matuto ka lang mag hintay
at ipakita mo na matatag ka dahil sa Kanya.



0 leave your comments here:
Post a Comment