©December 2003

Tuesday, July 5, 2011

basang kili kili

inilathala ni kcvictoria sa mga oras na 1:15 AM


Minsan yung utak ko, parang mga pampasaherong
sasakyan sa daan na nagsisiksikan sa trapiko.

hindi ko na alam kung kaninong busina
ang papakinggan ko

pinipilit kong ngitian ang ulan
kahit na madalas nagiging sanhi ito
ng aking kalungkutan

ayoko ng ulan.
pero minsan hinahanap hanap ko din ito.

sa matulin na takbo ng mundo
ang hirap nitong sabayan

pero naisip ko din, kahit gaano man ito
kabilis, hindi ko naman kailangangang sumabay.


buti na lang masaya pa din ako. buti na lang nakukuha ko pa ding humalakhak kasama ng mga kaibigan ko. nagtatawanan sa mga bagay na minsan, wala naman talagang katuturan. hindi naman kasi lahat ng tao sa mundo nararanasang sumakit ang tyan sa kakatawa, gumulong sa sahig sa kakatawa, at umiyak o maluha sa kakatawa.

pero madalas sa mga ngiti naikukubli ang mga lihim na pighati, minsan kung sino pa ang pinaka mas masasayang tao, sila pa ang mas may mabigat na pinag dadaanan.

hindi naman lahat ng bagay na nakikita ng mata eh ibig sabihin yun na yun. nakadilat na nga tayo pero binubulag natin ang mga sarili natin dahil nakikita lang natin ang gusto nating makita.

minsan tinatakpan na lang natin ng isang kamay ang katotohanan. minsan pinipigilan na lang natin ang mga binubulong ng puso.

madalas utak pa din ang nasusunod.

pero sa tingin ko, hindi lang naman utak at puso ang madalas na nag tatalo eh. minsan sumasali din tayo sa gulo. minsan yung sinsabi ng utak at puso hindi mo din pinapakinggan. may sarili ka ng ikaw. pinabayaan mo na sila. hindi ko din alam kung saan nang gagaling yung bagong ikaw.

siguro yun yung tinatawag na katatagan?
naniniwala ako na ang katatagan ay naka bukod sa salitang
utak at puso. dahil ang dalawang ito ay pareho
lang namang mahina eh. di gagana ang isa kung wala ang isa.

di ba madalas pag may mabigat na pinagdadaanan ang
tao humihina ang utak at napapagod ang puso?...

pero sa likod nila may bumubulong pa din
sayo na "kaya mo pa".

una sa lahat dahil wala ka namang magagawa kundi mabuhay

pangalawa sa lahat kahit sabihin mo pang hindi mo na kaya eh
alam mo namang hindi totoo yun dahil alam mong kaya mo pa...

nagsasawa ka lang.

yan siguro yung kalaban ng salitang matatag.

nakakasawa

yung buong araw ang saya saya mo
tapos pag sapit nang hating gabi parang naumay ka
sa buong maghapon at nag hahanap ka na ng ibang putahe

kaya pag ikaw na lang ang nakakakita sa liwanag ng buwan
bigla kang babarilin ng kalungkutan.
yung mararamdaman mo na para kang alikabok

maiisip mo na siguro, hindi ka talaga masaya at niloloko mo lang ang sarili mo...

pero hindi mo man lang naiisip na wala kang kasing lakas
na kaya mong ngitian ang pighati. na mas matagal ang araw kaysa sa gabi
kaya mas matagal kang ngumiti at mas matagal kang sumaya.

pero gaano man kaikli ang gabi di mo mapipigilan ang hatak
ng kawalan. ginagawa mo nanamang bola ang katawan mo,
bumibilog at pinapatunayang gatuldok ka lang sa mundong ito.
pilit na inaakap ang sarili na parang naubusan ng kakampi.

kinabukasan iikot pa din ang mundo.
baka mas matulin pa sa inaakala mo.
pero wala namang magbabago
kung di ka aalis sa pwesto.
hindi ka naman kayang hintayin nito
kasi kahit ayaw mo,
tatakbo ang mundo.








0 leave your comments here:

Post a Comment