"doon ko lang naisip na ganon pala sa college. gaguhan."
-Bob Ong
hindi ako naniniwala sa swerte at malas. pero minsan
sadyang may kamalasan ata talagang nakalatag ang kapalaran
para sayo. hindi mo alam kung kamalasan nga ba o sumpa.
kahit sa maliit na senarayo ng buhay sa Pilipinas
mahirap talagang humingi ng hustisya lalo na't
kapangyarihan ang kinakalaban mo.
hindi ka bobo, pero madalas magiging bobo ka kapag
hinayaan mong matalo ka sa laban. ayaw mong ilaban
dahil takot ka sa kahihiyan. pero hiyang hiya ka na sa
sarili mo dahil sinasabi nito sayo na para saan
pa ang lahat ng pinaghirapan mo kung magpapalapa
ka lang sa buwaya. nag tatalo na ang kaluluwa at katawan mo.
ang iyong kaluluwa gustong tangapin na lang ang lahat.
hindi mo raw ito madadala sa langit, habang ang katawan
mo at mga laman loob ay nag wewelga.
nakikipag talo ang utak dahil hindi nito matatanggap
ang sasabihin ng iba na wala syang laman.
nakikipagtalo ang mga mata dahil sumasayad na to
sa lupa sa gabi gabi mong pagpupuyat.
nakikipagtalo ang bibig dahil nasayang ang laway
na inilaan mo para mag sabi ng totoo.
nakikipag talo ang bituka dahil nasayang ang
mga oras na sana'y kumakain ka.
at minsan chorus pa silang nag tatanong ng
"naglolokohan ba tayo dito?!?"
ang puso na pumapagitna sa dalawang kampo
ay di na makayanan ang ingay. konti na lang
sasabog na ito at malapit na rin maging halimaw.
halimaw na mas pipiliing maging mahina.
halimaw na kinakaawaan ang sarili.
halimaw na gusto nang tapusin ang ikot ng mundo,
itigil ang laban at magpahinga.
swertihan na nga lang ba ang buhay?
chamba na nga lang ba ang pagkaka panalo?
hinuhulaan na nga lang ba kung sino ang talo
at sino ang panalo?
hindi na ba talaga magiging balanse ang timbangan?
saan nagtatago ang tama at kailan maitatama ang pagkakamali?
kaninong kamay ang malinis at kanino ang madungis?