CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Sunday, June 14, 2009

the study of life



Is it my fate to be on this path? Should I believe that I’m destined to be here? Or would I just stick to my certainty that people have choices… and they make their own luck?


BS Biology is not even on the top of my 100 list of choices. Napaka layo ng mascom sa bsbio.
At ano naman ang gagawin ko kapag naging biologist ako?
Ayoko nga ng nursing doctor pa kaya?

To make the long story short, I was stuck here and I can’t get out. mamamatay ako sa course na to. Napaka dugo ng mga subjects ko. Pang matalino lang to. First, tamad ako. Second, hindi ako nakikinig sa bio when I was in high school. I considered it boring. Third, I never plan to question how the hell I exist.

God created all the living things on earth. Period. That’s the only origin of life I chose to believe. Wala na kong paki alam sa evolution at spontaneous generation. Isa lang kasi pinaniniwalaan ko eh. So… hindi talaga ko pwede maging biologist. Syempre hindi ko matatangap na galing ang tao sa unggoy! At mas lalu naman sa Abiogenesis. Pwede bang mang galing ang isang living thing sa isang non-living thing?? duh???

Well of course you’ll be curious with how this and that happens… kung pano ka nag lalabas ng masamang hangin, kung anong ginagawa ng mga taba mo sa katawan. Kung bakit ka pinag papawisan. Well you can google it. Bakit kailangan ko pang mag major ng bio kung pwede ko naman malaman ang mga yun in my own way.

"why do we study science?"
"Because we are seeking for truth."


Anu pa bang truth ang gusto mong malaman when God is the only answer.

*Wow* Balak ko pa atang makipag debate sa prof namin.


Sarado utak ko dahil ayoko ng subject. Dahil iniisip ko na mahirap.

Dahil iniisip ko na hindi ko kaya.

"Love your course, and it will love you back."

That’s not true. papano mo nga gugustuhin kung ayaw mo di ba?...
Iniisip kong tamad ako. Kaya nagiging tamad ako lalo. I always look down to myself kaya hindi ako nag iimprove. Hindi ko matangap na "love it and it will love you back." Kasi isa lang yung gusto ko paniwalaan at ayokong mag bago ng isip dahil sa tinatawag na pride. Ayokong sabihin nang ibang tao na hindi ko gusto ang nakuha kong kurso, na napilitan lang ako.


After ng first sem, sabi ko mapasa ko lang lahat ng subject

hindi na ko aalis sa course na to.. Naka pasa naman ako sa lahat ng subjects.


But still thinking…

"kaya ko kaya?"
Second sem na.


OMG ang hirap ng Calculus. Ayoko na talaga mag shi-shift na ko.
Organic chem.! Tuyot na utak ko! Eto na oh. Nararamdaman ko!
Nakakamatay pala tong bio.


But then… ang subject kong biology which is my major subject, nagulat ako sa mga results ng quizzes ko, wala pa kong bagsak. Nag eenjoy na din ako sa discussion. Mejo nagulat ako sa sarili ko, kakaiba pa naman mag pa exam ang prof namin. Parang wala nang bukas eh…eh ayoko pa naman ng pinag aaralan ang halaman. Nakaka antok! Pag mammals ang topic ok pa.

… nag eenjoy na din ako sa chem. Kahit na madugo. Nalaman ko din na kaya ko palang mag review mag isa ng calculus without the help of anyone.

Mahirap? Its all in the mind.

At the back of my head…

kaya ko naman pala eh.

At masaya naman na ako dito…

I thought studying science will just contradict my biblical beliefs. But I’m wrong. Napaka kitid pala ng utak ko kung ganon. God created science. Wala pa man ang mga makabagong teknolohiya… na explain na Nya ang lahat through the Bible.

Ang mga bagay na gusto natin, hindi pwedeng maabot sa isang pitik ng kamay, minsan mas madami ka munang dapat pag daanan kaysa sa inaakala mo. Hindi dahil hindi mo gusto ang daan, hindi mo na ito dadaanan… mas malawak ang daan para sa mga taong hindi marunong mag sikap, at hinuhulma naman nang madidilim at makikitid na daan ang mga taong may determinasyon. Hindi sapat yung puro ka lang pangarap, pero naka tanga ka naman sa kawalan, anu mangyayari sayo nun? Lalu na kung puro ka reklamo…dapat determinado ka rin.

Hindi naman ako papabayaan ni God kung dumating man yung time na maisip kong hindi ko pala kaya. Minsan you have to take chances. Pano mo malalaman ang sagot sa mga tanong mo kung lagi kang nasa safe zone. Kung lagi ka na lang humihingi ng assurance. If things go wrong, life goes on. Keep going. Kasi baka mapag-iwanan ka.
But learn by heart that life is not a race that you have to rush things up…
Kasi minsan baka hindi mo na nakikita yung ganda ng buhay kung lagi kang nagmamadali.

I still have many questions and I’m going to find those answers along the way… for now… I feel blessed and happy. Ü


"Love the life you live. Live the life you love."