CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Friday, March 6, 2009

a day in Quiapo












Sa kabila nang chaotic sched namin, dahilan sa thesis sa bio which is our major subject (lapit na defense!), nakuha pang sumabay ng prof namin sa english mag paggawa ng isang interview sa isang kilalang tao at gusto nyang ipasa namin ito sa lalung madaling panahon (take note: with picture dapat para walang dugasan!). Dahil wala naman kaming laban… buong puso naming hinarap ang hamong ito.

At first, we chose Bro. Bo Sanchez; our topic supposedly would be more about his life. Unfortunately he wasn’t able to say yes to our invitation due to so many commitments he’s in; he’s always out of the country and besides his an important person so he might be so busy with a lot of things. So we decided to change our topic. We chose the Nuestro Padre Jesus Nazareno also known as the Black Nazarene and its devotees.

We plan to have an interview with the parish priest (according to our research) Mnsgr. Ignacio Clemente. Pumunta kami ng Quiapo, 9am. With my other group mates (Rr and Melody) ang aga oh. Bongang bonga. Eto na nasa loob na ng church. Mejo nag mass muna habang si Rr mega gawa ng impromptu questions. Matapos ito…(tumunog ang kampana) pumunta na kami sa information desk officer. Hinanap si Mnsgr. Clemente at napag alamang wala ito. Pero di kami pwedeng umuwi ng luhaan… kaya nag makaawa na kung pwede sana ay kahit sinong available na priest na lang.




Okay pumayag na man sila. Gumawa muna kami ng request letter at nag insist na gumawa ng interview within the day. Pinaiwan ni Ms. Eva (secretary) ang aming contact number dahil wala pa daw available na pari sa mga oras na yon. 11:30 Kumain muna kami sa isang liblib na Jollibee sa plaza Miranda. Ewan ko ba anung klaseng hagdan yung dinaanan namin paakyat dun may escalator naman pala. Grabe parang daan patungo sa ibang dimension.


Anung oras na wala pang text. Kinukulit na namin si manong sa information desk wala pa daw pari. Eto na nawawalan na ng pag-asa. Nag isip nanaman kami ng ibang diskarte. Di talaga kami pwedeng umuwi ng walang nagagawa. Habang nasa ministop gumawa nanaman kami ng isang desisyon…

Prayers for hire.

“Yung mga taga dasal na lang kaya, ang objective natin ay para malaman kung bakit kailangan pa nilang mag dasal para sa ibang tao”

Okay na. nakagawa nanaman ng mga tanong na kaka produce lang mula sa isang matinding brainstorming.

Bumili kami ng pagkain (chowking) para sa iinterviewhin naming tagadasal nakaka hiya naman kung wala kaming maibigay. Nilapitan namin ang isang matandang paalis n asana para bumili ng pag kain, at sinabi na nga kung ano agenda naming sa kanya. “ay kumuha muna kayo ng permit dun oh.” What??? Mejo nagulat kaming tatlo dun ah. Pati ang mga taga dasal sa loob ng simbahan di pala pwede iniinterview basta-basta parang mayor lang may permit. Dahil wala nanaman kaming nagawa pumunta ulit kami kay manong para humingi ng permit… mejo nainis na yata sa kakulitan namin. “ay hindi kayo pwede mag interview sa mga taga dasal dahil may naka usap na kaming pari 4pm pa ang dating”. Mejo nasiyahan na mejo disappointed kami don. Okay pinili na namin si father. Binigay na lang namin yung food kay manang na taga dasal kahit di namin sya na interview.

May ilang oras pa… feeling namin bahay na namin ang quiapo church naikot na ata namin sa tagal ng nilagi naming dun. Nag muni muni din kami sa loob ng simbahan nag hintay ng mass. Wala nap ala 5pm pa ulit. Tahimik sa simbahan pero di talaga maiwasang mag kwentuhan lalu na pag tungkol sa katatawanan. Lumabas na lang kami, marunong din kami mahiya. Hehe.

Pagkatapos ng lahaaaaaaaaaaaaaaat at 4:15pm, dumating din si Father Franklin Villanueva. Ang pinaka makulit na pari sa lahat ng nakilala ko ang kyut!.haha 68 years old “pero mukang 40” according to him. napaka approachable at napaka kulit. sobrang dami nyang kwento at nakakatuwang makinig. At mararamdaman mong holy sya pag katabi mo sya. Napaka masiyahin nya talaga at inspiring ang mga kwento nya. Madami din ang natutuwa sa kanya sa simbahang yon. We enjoy the short time we spent with him I even get his number so I can text him at dahil sa kanya mukang mapapadalas ang pag dalaw naming sa quiapo. Worth it ang lahat ng pagod namin…

Acknowledgement:

Salamat po ng marami sa mga taong tumulong sa amin at nag asikaso habang kami ay nasa Quiapo. Lalung lalo ba kay Father FrankÜ

We would like to thank our sponsors:

Basilika ng nazareno restrooms
Jollibee ( sa liblib )
Ministop
Chowking
Sampaguita